Ang Huling Pitong Wika ni Hesus ay mga salita na may pag-asa, may pagmamahal at pagkalinga. Ito ay katotohanan, kapatawaran at kaligtasan. Ang Kanyang Huling Pitong Wika ay humihingi mula sa atin ng pagtugon, ng ating pagkilos, ng ating pagsasabuhay. Ang mga huling winika ni Jesus doon sa Krus ay pangunahing pangangailangan ng tao, minimithi ng tao, nais niyang maranasan at maibigay din. Ito ay madaling maibibigay at talaga namang hinihintay mula sa atin. Hindi mahirap gawin. Hindi mabigat na gawain. Ang Huling Pitong Wika ni Hesus ay Kanyang ginawa, isinabuhay at ibinigay. Si Hesus ay umaasa at nagtitiwala na ang Kanyang Huling Wika ay atin ngayon din na gagawin, ibabahagi at isasabuhay. Tuparin natin ang Kanyang sinabi, “Humayo ka’t ganoon din ang gawin” (Lucas 10,37). Mula sa aklat na ito, Ang mga Gawa sa Huling Pitong Wika ni Hesus, halina mga minamahal kong mga kapatid kay Kristo, tayo na ngayon sa pagninilay, pagsasagawa at pananalangin.
₱125.00
Weight | 1.5 kg |
---|---|
Dimensions | 23 × 15.5 × 0.5 cm |
Author | Bp. Ruperto Cruz Santos, D.D., |
ISBN | 978-621-426-142-6 |
Cover | Paper |
Page Number | 56 |
Copyright | 2021 |