Ang isa sa mga hayag na ritwal ng mga Mahal na Araw ay ang prusisyon. Dito ay nabubuhay ang mga lansangan kapag inililigid ang mga imahen at mga sagisag ng mga huling araw ng ating Panginoong Hesukristo. Sa pamamagitan ng prusisyon, naipapahayag ng mga Pilipinong Katoliko ang kanilang pananampalataya kay Hesukristo, kaya nga mahalagang ang prusisyon ay makita bilang isang paraan ng pagkaunawa at pagdiriwang ng Misteryo Paskuwal. Sa diwang ito, isang malaking tulong ang aklat na ito, lalo na sa paghubog sa mga prusisyon at sa pakikiisa natin dito upang maging tunay na isang kilos ng pananampalataya at pagsamba, ayon sa Liturhiya ng Simbahan.”
– Reb. P. Genaro O. Diwa, S.L.L.
Executive Secretary, Episcopal Commission on Liturgy
$8.00
Weight | .750 kg |
---|---|
Dimensions | 23 × 16 × 0.5 cm |
Author | Michael P. Delos Reyes |
ISBN | 978-621-426-044-7 |
Cover | Paper |
Page Number | 212 |
Copyright | 2018 |