
Sa gitna ng ingay at bilis ng ating makabagong mundo, muli tayong inaanyayahan ni Papa Leon XIV sa Dilexi Te (“Minahal Kita”) na muling tuklasin ang pinaka-puso ng Ebanghelyo: ang pag-ibig ng Diyos na nakikita at nararanasan lalo na sa ating pag-ibig sa mga dukha. Mula sa Banal na Kasulatan hanggang sa buhay ni Hesus at sa patotoo ng mga santo at Ama ng Simbahan, ipinapakita ng dokumentong ito na ang pagmamalasakit sa mga maralita ay hindi lamang isang gawain ng kawanggawa kundi isang di-maisasantabing bahagi ng ating pananampalataya at siyang tunay na daan tungo sa kabanalan. Sa isang mundong patuloy na nahahati ng digmaan, alitan, hindi pagkakapantay-pantay at pagwawalang-bahala, ang tinig ng Papa ay muling nagpapaalala na ang Simbahan ay tinatawag na maging tahanan ng awa, pag-asa, at pagkakapatiran.
Malaking bahagi ng aklat na ito ay naiwan ni Papa Francisco bago siya pumanaw na ngayon ay dinagdagan at inilathala ng kanyang kahalili. Sa mga pahinang ito, matatagpuan ng mambabasa ang isang malinaw at mapanghamong paanyaya: hanapin at yakapin si Kristo sa mga sugatang mukha ng mga dukha at hayaang baguhin at hubugin ng kanilang daing ang ating puso. Ipinapaalala ng dokumento ang aral na galing mismo sa Panginoon: “Anumang ginawa ninyo sa isa sa pinakamaliit sa aking mga kapatid ay ginawa ninyo sa akin.” (Mt 25:40) Sa pagbabasa at pagninilay sa Dilexi Te, inaanyayahan tayong tuklasin muli ang Ebanghelyo bilang isang buhay na panawagan, isang paanyaya na gawing kongkreto ang pag-ibig sa pamamagitan ng awa, katarungan, at malasakit sa mga pinaka-nangangailangan sa ating mga kapatid.
$6.75
| Weight | 0.5 kg |
|---|---|
| Dimensions | 8.25 × 5.25 × 1 cm |
| ISBN | 9786214262892 |
| Cover | Paperback |
| No. of Pages | 202+4 |