0
$0.00 0 items

No products in the cart.

0
$0.00 0 items

No products in the cart.

Account
Sale!
Description

Bilang Peregrina, patuloy tayong sinasamahan ng Mahal na Birhen sa ating paglalakbay sa pananampalataya, na isang peregrinasyon ng walang katapusang pagkamangha, ng hapis, at ng tuwa. Kung papaanong siya ay nagpunyagi at nanatiling kaisa ni Kristo, tayo rin nawa ay magpunyagi at manatiling matapat at nakakapit kay Kristo, lalo na sa gitna ng malaking pangamba at hamon na dulot ng Covid-19 sa ating bansa, at sa buong daigdig. Bigyang lunas nawa ito ng Mahabaging Diyos sa tulong ng Mahal na Birheng Peregrina. Sa tulong ng akdang ito, muli nawang matuklasan, maging masidhi, at lumalim ang pamimintuho sa Mahal na Birheng Peregrina. Pagbati at pasasalamat kay Michael!

Most Rev. Francisco M. de Leon, D.D.
Bishop of Antipolo

 

Matapos ang halos sampung taong pagkakatago nito, ako’y lubhang nagalak nang nagkaroon dito ng interes si Michael P. delos Reyes, isang manunulat ng mga Katolikong aklat. Sa wakas ay maikukuwento na ang kasaysayan ng Birheng Peregrina, at ang pamimintuhong kagyat na na-
nahimik, ay magkaroon nawa ngayon ng panibagong alab at higit na kalaliman. Sa patuloy na paglalakbay ng Simbahang Katoliko sa Pilipinas patungo sa ika-500 taon ng Kristiya-
nismo sa bansa, maging gabay at patnubay nawa natin ang Birheng Peregrina sa ating Missio ad gentes (misyon sa mga bansa), bilang mga “pinagkalooban upang magkaloob” (Gifted to give).

Fr. Cielito R. Almazan, O.F.M.
Minister Provincial
Province of San Pedro Bautista

 

Kung paanong ang barkong San Antonio ay naging kanlungan ng imahen ng Birheng Peregrina sa paglalayag nito mula sa Cadiz hanggang Vera Cruz, ang Dambana ni San Antonio de Padua ay nagsisilbing kanlungan din ng Birheng Peregrina sa kasalukuyan. Gayundin naman, kung papaanong ipinag-adya ng Birheng Peregrina ang mga na-
bigante at pasahero ng barkong San Antonio mula sa unos sa karagatan, maging takbuhan din nawa siya ng mga nami-
mintuho sa dambanang ito. Mapalad tayo at mayroon tayong dalawang pintakasi sa dambanang ito. Nawa ay muling manariwa sa atin ang debosyon, hindi lamang kay San Antonio na tangan ang Batang si Hesus, kundi pati na rin sa Inmaculada Concepcion, bilang La Peregrina, na siyang nakaluklok sa ating Dambana.

Fr. Christopher G. Tibong, O.F.M.
Guardian, Priest in-charge
St. Anthony Shrine (V.O.T. Church)

Inmaculada Peregrina: Kasaysayan at Debosyon

Original price was: $14.00.Current price is: $12.60.

5 in stock

Additional information

Weight .5 kg
Dimensions 24 × 16 × 1.5 cm
Author

Michael P. Delos Reyes

ISBN

978-621-426-135-2

Cover

Paper

Page Number

264

Related Products
User Reviews
Leave a Review