0
$0.00 0 items

No products in the cart.

0
$0.00 0 items

No products in the cart.

Account
Description

Tinatanong ng librong ito kung bakit may mga tanong ang buhay. Hindi ito isang manual o instruction book, subalit gabay sa pag-unawa at pagtugon sa mga tanong na ito. Inaasahan na matulungan ang mambabasa ng mga pagmumunimuning ito na maunawaan kung papaano tayo tinutulungan ng mga tanong na mabuhay nang mabuti. Makikipagdialogo tayo sa mga pantas ng pilosopiya, sikolohiya, teolohiya, at spiritudalidad para isipin kung papaano ang pagkuwento ng buhay, paggunita ng mga posibilidad, pakikinig sa mga damdamin, at pagbabalik tanaw ay makakatulong sa ating pagpapakatao. Sana sa pagbabasa nito, makilala rin natin kung papaano tayo pinapakilala sa ating sarili ng mga tawag na nakakatagpo sa bawa’t araw.

Si Agustin Martin G. Rodriguez ay guro ng pilosopiya sa Pamantasang Ateneo de Manila.  Nagtuturo siya ng iba’t ibang kurso ng pilosopiya tulad ng pilospiya ng tao, ng relihiyon, ng sining, ng paggogobyerno, at ng katarungang panlipunan.Higit na dalawang dekada rin siyang nagtrabaho sa mga NGO na tinaguyod ang katarungang panlipunan at karapatang pantao, inaral ang pag-unlad na makatarungan, at ang pagtaguyod ng mabuting paggogobyerno. May pito siyang sinulat na libro at ang Repetance and Rebirth at the End of Life as We Know It ay ginawaran ng National Book Award Noon 2023 ng National Book Development Board.

Kung Bakit May Mga Tanong Ang Buhay at Kung Ano Ang Tinatanong Nito

$7.75

1 in stock

Category:

Additional information

Weight .200 kg
Dimensions 22 × 14 × .5 cm
Author

Agustin Martin G. Rodriguez

ISBN

978-621-426-222-9

Cover

Paper

Page Number

132

Related Products
User Reviews
Leave a Review