
Datapwat bumaling tayo sa puso ni Kristo, sa pinakasentro ng kanyang persona, sa naglalagablab na pugon ng kanyang pag-ibig bilang Diyos at tao, sa pinakamataas na kaganapan na maaaring mithiin ng sangkatauhan. Doon, sa pusong iyon, makikilala natin sa wakas ang ating mga sariIi at matututunan natin kung paano magmahaI.
Papa Francisco (Di/exit Nos, 30)
Ang mensahe ng Mahal na Puso na tinatalakay sa Di/exit Nos ay napapanahon at napakahalaga sa konteksto ng ating kasalukuyang daigdig. lpinapaalala ng ensiklikal na ito sa atin na ang Kabanal-banalang Puso ni Hesus ay patuloy na nagmamahal at nagpapatawad sa atin, at nananawagan ito sa atin na ipakita ang parehong malasakit, awa, at pagmamahal sa ating kapwa. lpinapaalala nito sa atin na ang tu nay na debosyon ay hindi lang isang karanasan na ibigin at umibig kay Hesus. Tinuturuan at hinuhubog rin tayo nito upang umibig tulad niya at sa gayon ay makapag-ambag tungo sa pagbabago ng lipunan, ng Simbahan at ng mundo.
Reb. Padre Victor C. de Jesus, SJ
National Director
Pope's Worldwide Prayer Network/ Apostleship of Prayer
Philippines Eucharistic Youth Movement Philippines
Kailangan nating muling matuklasan ang santwaryo ng puso ni Hesus dahil dito lang natin mahahanap ang kapayapaan, kagalakan, at pag-ibig na ating inaasam-asam. Sa diwang ito, malugod nating tinatanggap ang pinakabagong ensiklikal ng Santo Papa at ang pagsasalin nito sa wikang Filipino, sa pag-asang ito ay magiging daan upang ating muling matuklasan at maunawaan ang misteryo ng puso ni Hesus ... Sa ating pagtunghay sa bukas na puso ng Manunubos, sa tulong ng karunungan at gabay ng Santo Papa, nawa'y pagkalooban tayo ng Panginoon ng grasya upang buong galak na tumugon sa kanyang pag-ibig, sa kabila ng ating kahinaan at karupukan, sa pamamagitan ng pagmamahal sa kanya sa ating mga kapatid, lalo na sa mga lubos na nangangailangan.
Rev. Fr. Roderick L. Castro
Rektor
Pambansang Dambana ng Banal na Puso ni Hesus
San Antonio Village, Lungsod ng Makati
$9.00
| Weight | .750 kg |
|---|---|
| Dimensions | 21 × 15 × 1 cm |